• Sun. May 31st, 2026

UNANG FISHERFOLK DORMITORY AT CATFISHFACILITY SA CALABARZON,PINASINAYAANSA BACOOR

Byadmin

May 31, 2026

Pormal nang binuksan sa Lungsod ng Bacoor ang kauna-unahang Fisherfolk Dormitory sa buong CALABARZON kasabay ng groundbreaking ng kauna-unahang government at fisherfolk-managed Catfish Grow-out Facility sa rehiyon.

Pinangunahan ni Bacoor Mayor Strike B. Revilla ang programa kasama sina Congresswoman Lani Mercado-Revilla, Board Member Alde F. Pagulayan, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan at sektor ng pangisdaan.

Kasabay ng blessing at inauguration ng dormitoryo ay ang pamamahagi ng mga kagamitang pangisda bilang suporta sa kabuhayan ng mga mangingisda at upang makatulong sa kanilang araw-araw na gastusin.

Ayon sa pamahalaang lungsod, magsisilbing pansamantalang tuluyan at pahingahan ang Fisherfolk Dormitory para sa mga mangingisdang nagmumula pa sa ibaโ€™t ibang lugar upang mas maging maayos ang kanilang trabaho sa dagat.

Dumalo rin sa aktibidad sina Department of Agriculture โ€“ BFAR Region IV-A Regional Director Sammy Malvas, mga kinatawan mula sa Frabelle Fishing Corporation, Philippine Reclamation Authority, at iba pang katuwang ng lungsod sa proyekto.

Samantala, inaasahang magdadala ng dagdag na oportunidad at kabuhayan sa sektor ng aquaculture sa Cavite ang itatayong Catfish Grow-out Facility na layuning palakasin pa ang produksyon ng isda sa lungsod.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Bacoor LGU sa Barangay Sinbanali sa kanilang suporta at pakikiisa para sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.

Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, muling ipinakita ng pamahalaang lungsod ng Bacoor ang patuloy nitong suporta at malasakit sa mga mangingisda at sa sektor ng pangisdaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *