Noong nakaraang August 20, nagsagawa po ang Pamahalaang Lungsod ng Trece Martires sa pangunguna ng Office of the City Mayor – Housing Division ng Dishwashing Liquid Making Training para sa 25 nating kababayang relocatees mula Muntinlupa. At nitong August 24, personal nating ipinamahagi ang kanilang mga starter kit upang makatulong sa kanilang maliit na pagkakakitaan.
Ang programang ito ay naisakatuparan gamit ang Trust Fund mula sa LGU Muntinlupa.
Tuloy-tuloy tayo sa pagbibigay ng mga programang may pangmatagalang kapakinabangan para sa ating mga kababayan. ![]()
