• Sun. Aug 30th, 2026

๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐——๐—ฆ๐—ช๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐Ÿฏ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—•๐—”๐—–๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—˜ร‘๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ฆ๐——๐—”

Byadmin

Aug 30, 2026

Umabot sa 3,677 mangingisda sa lungsod ng Bacoor ang tumanggap ng tulong mula sa pamahalaang lungsod ngayong araw, Agosto 25.

Sa pangunguna ni Mayor Strike Revilla katuwang ang Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), at City Agriculturist Office, namahagi ang pamahalaang lungsod ng mga relief pack para sa mga mangingisda. Ang mga ito ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layon nitong bigyan ng agarang suporta at tulong ang mga mangingisda ng lungsod, bilang patunay ng kanilang mahalagang gampanin sa lokal na ekonomiya at food supply.

Sa isang Facebook post, ipinahayag ng pamahalaang lungsod ang kanilang patuloy na suporta sa kabuhayan ng kanilang mga kababayan, lalo na ang mga nasa sektor ng agrikultura at pangingisda. | via City Government of Bacoor

#BagongPilipinas

#IntegratedStateMedia

#ISM

#SaBacoorAtHomeKaDito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed