Umabot sa 2,569 benepisyaryo mula sa mga barangay ng Carsadang Bago 2, Malagasang 2-B, Buhay na Tubig, Bayan Luma 1, Anabu 2-D, at Pinagbuklod ang nakatanggap ng Social Pension for Indigent Senior Citizens ngayong Huwebes, Abril 23, 2026.
Pinangasiwaan ito ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA), katuwang ang Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO), upang maipamahagi ang tulong pinansyal sa mga nakatatanda.
Layunin ng programang ito na magbigay ng karagdagang suporta sa indigent senior citizens, matulungan silang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, at maipadama ang malasakit ng Pamahalaang Lungsod ng Imus.
