Nagsagawa ang Provincial Government of Cavite (PGC) ng Medical and Dental Mission sa Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City noong Agosto 11, 2026, na nagsilbi sa kabuuang 735 benepisyaryo.
Sa bilang na ito, 568 residente ang nakatanggap ng serbisyong medikal at 58 naman ang nakinabang sa serbisyong dental. Nagsagawa rin ng 75 libreng blood sugar tests at 34 ECG examinations.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Office of the Provincial Governor, General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH), Barangay Health Workers, at mga lokal na opisyal.
