Imus City – Pormal na ipinagkaloob ng Maynilad Water Services, Inc. sa Pamahalaang Lungsod ng Imus ang 16 na drinking fountain nitong Hunyo 23, 2026.
Agad namang ipinagkaloob ng Pamahalaang lungsod ng Imus sa pangunguna ni Mayor Alex Advincula ang 5 Drinking fountainvsa Imus National High School (INHS) para magkaroon ng libreng malinis na inuming tubig ang mga estudyanteng Imuseño.
Malugod itong tinanggap ng School Principal ng nasabing eskwelahan na si Gng. Petronia N. Tarun.
Personal ding tinanggap nina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Officer-in-Charge—Schools Division Superintendent Lito Palomar ang pormal na paghahandog at pagpirma sa kasunduan, kasama si Maynilad Chief Operating Officer Christopher Jaime T. Lichauco.
Nakatakdang ilagay ang 11 pang drinking fountain sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod.
