Isinagawa po kahapon sa ilalim ng programa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, sa pamamagitan ng General Services Office (GSO) na pinamumunuan ni Mr. Agripino Pagdanganan, ang Blessing sa dalawang bagong ECO FRIENDLY STREETβSWEEPER TRUCK.
Nakasama ni Mayor Strike B. Revilla sa dumalo sa Blessing sina Vice Mayor Rowena B. Mendiola, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Bacoor, at si Bishop Eric Santos na nagsagawa ng Blessing sa mga bagong kagamitan.
Ang dalawang bagong streetβsweeper truck ay makakatulong upang mapanatiling malinis ang mga kalsada sa buong Bacoor. Layunin din nito na mabawasan ang panganib sa mga street sweepers na nagtatrabaho sa mga mataas na panganib na national at service roads. Ayon sa mga opisyal ng lungsod, inaasahang mapapabilis at magiging mas ligtas na ang pagpapanatili ng kalinisan sa mga pampublikong lugar sa Bacoor sa tulong ng mga bagong sasakyang ito.
