Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, sa pangunguna ni Governor Abeng Remulla, ng Arangkada Program sa Trece Martires City bilang suporta sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Driversโ Association (TODA).
Kasama ni Governor Remulla sa programa sina Vice Governor Ram Revilla Bautista, 7th District Congressman Ping Remulla, 7th District Board Members Aldrin Anacan at Camille del Rosario, Mayor Gemma Lubigan, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Trece Martires City.
Layunin ng programa na maghatid ng mga inisyatiba at suporta para sa sektor ng transportasyon sa lalawigan.
