Bilang bahagiΒ ng layunin ng ating Pamahalaang Lungsod na makapaghatid ng mahahalagang proyekto at serbisyo sa ating mga kababayang GentriseΓ±o, pinasinayaan po kamakailan ang bagong COVERED COURT sa Wellington Phase 12-B sa Barangay Pasong Camachile II. Kasabay din po nito ang pagpapasinaya at pagbabasbas sa bagong tayong 3-STOREY BUILDING (DIALYSIS CENTER) sa Barangay Manggahan, at sa bagong AMBULANCE na magagamit sa emergency response.
Kasama dumalo ng inyong lingkod Mayor Jon-Jon Ferrer sa mga nasabing programa sina Cong. Ony Ferrer, Vice-Mayor Jonas Labuguen, mga Sangguniang Panlungsod Members, at mga opisyal ng Barangay, upang magbigay ng kanilang suporta sa magagandang hangarin natin para sa ating lungsod.
Let’s Join Forces for a More Progressive City of General Trias!
