Ginanap ang kauna-unahang “Mga Bata sa Barangay . . . Kuwentuhan na!” nitong Sabado, Abril 22, sa Happy Homes Subd., Brgy. Buhay na Tubig sa pangunguna ng Imus Public Library, kaagapay ang Seventh-day Adventist Church at ang Sangguniang Barangay ng Buhay na Tubig.
Isinalaysay ni Bro. Janno B. Tachado sa 44 na batang Imuseño ang kuwentong “The Baby in the Basket.”
Ang “Mga Bata sa Barangay . . . Kuwentuhan na!” ay isa sa mga bagong programa ng Public Library upang mas mailapit sa mga batang 5 hanggang 12 taong gulang ang mga kuwentong tiyak na mapagkukunan ng aral.(City Government of Imus)