Sa ikalawang linggo ng pag arangkada ng Livelihood Program para sa mga Kababaihan ng Naic sa Pangunguna ng LCW President Florian Dualan ang mga taga Barangay Malainen Bago at Malainen Luma naman ang binisita ng grupo para handugan at turuan kung paano ang paggawa ng DishWashing Liquid.
Magagamit ng mga taga Barangay Malainen Bago at Malainen Luma ang kasanayan na ito upang maging kanilang hanapbuhay at pandagdag suporta sa kanilang pang araw-araw na gastusin.
Hangad ng Pamahalaang Bayan ng Naic sa Pangunguna ni Mayor Raffy Dualan at Vice Mayor Jun Dualan na mas mapagaan at maging maayos ang pamumuhay ng Bawat Naicqueños kung kaya maasahan ng bawat isa na madami pang ganitong Programa ang ilulunsad sa Bayan ng Naic.(Municipality of Naic)