Namahagi si Congressman Roy Layola kasama si Mayor Dahlia A. Loyola ngayong umaga ng financial assistance sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 601 na mga Iskolars ng Metro Bulihan Silang, Cavite.
Sa ating mga kabataan, tanggapin ninyo, kasama ang inyong mga magulang o guardian, ang tulong na ito para sa inyong mga pag-aaral. Sana ay matupad at maabot ninyo ang inyong mga pangarap patungo sa mas magandang buhay para sa inyong mga pamilya.
Patuloy po kami sa paghahanap, paggawa ng mga paraan at paghagilap ng pondo na makakatulong sa ating mga kadistritong nangangailangan.