Dinaluhan ni Mayor Dahlia Layola ang distribusyon ng Handog Extrang Lingap Program o HELP ng ating Persons with Disability Affairs Office para sa 186 nating kababayan na PWD na birthday celebrants para sa buwan ng Pebrero.
Ang programang ito ay naglalayong makatulong sa ating mga kababayang PWDs para sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan. Patuloy po nating sisiguraduhin na βNo One Will Be Left Behindβ lalo na sa mga kababayan nating PWD.
