


Atin pong dinaluhan ngayong araw ang inauguration at blessing ng DEAFinitely Happy Store ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa may Carmona Elementary School, Barangay 8. Ito ay sa pangunguna ng SENYASCCI at DSYNPESO at sa pakikipagtulungan ng Cavite State University – Carmona.
Hinihikayat ko po ang lahat na suportahan ang ating bagong establisyimento bilang suporta sa ating mga kababayang PWDs. Ang DEAFinitely Happy Store ay isa sa mga programa ng Lokal na Pamahalaan ng Lokal na Pamahalaan ng Carmona at ng PDAO upang makapagbigay ng employment opportunities sa ating mga kababayang PWD sa ating Bayan. Lahat po ng empleyado sa DEAFinitely Happy Store ay pawang mga PWDs na learners ng ating CARER Program.
Isa po itong tagumpay para sa ating kababayang PWDs. Support Local and our Barrier-Free Tourism Establishments! (Dr. Dahlia A. Loyola Fb page)
