• Mon. Jun 9th, 2025

cvsu, nagdiwang ng ika-117 anibersaryo ng pagkatatag

Byadmin

Mar 26, 2023

Ang Cavite State University (CvSU) ay nagdaos ng isang linggong pagdiriwang para sa ika-117 anibersaryo ng pagkakatatag nito at ika-25 taon bilang unibersidad mula Marso 20 hanggang 24, 2023. Ang naturang selebrasyon ay temang “Shine CvSU: Tiwala at Malasakit para sa mas Maningning. sa CvSU!”

Dumating bilang pangunahing pandangal at tagapagsalita si Commission on Higher Education (CHED) Chairman Dr. Prospero de Vera 3rd sa pagbubukas ng programa ng unang araw. Ang mga aktibidad sa isang linggong pagdiriwang ay kinabibilangan ng Recognition of Partners, Gawad Laya at Diwa – Gabi ng Parangal, Exhibits and Trade Fairs, Student Convocation, Mass Demonstration, Kabsuhenyo Night, Baratilyo and Night Market, Health and Wellness Fair, Art and Photo Exhibits, Faculty and Employees Sports Festival Laro ng Lahi, at Alumni Loyalty Day.

Layon ng mga aktibidad na itampok ang mga tao na may makabuluhang kontribusyon sa mga tagumpay ng CvSU sa loob ng ilang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *