Ginanap kaninang umaga ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Rosario, Cavite. Pinangunahan ito ni Mayor Jose Voltaire Ricafrente, Vice Mayor Bamm Gonzales, at mga konsehal ng bayan.
Binigyang pagkilala din kanina ang mga mag-aaral mula Agustin Abadilla Elementary School at David P. Jimenez Elementary School na nag uwi ng mga medalya mula sa katatapos na Cavite Sports Meet 2023.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Voltaire ang mga batang lumahok sa Provincial Meet at nag uwi ng mga karangal. Ipinagmalaki din nya ang husay ng batang taga Rosario na mula pa man noon ay patuloy nang sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan.
Dumalo din ang iba’t ibang opisina kasama ang Comelec, DILG, PNP,BJMP, BFP, DepEd, at mga Punong Barangay. .(Municipality of Rosario Cavite)