• Tue. Jun 3rd, 2025

PAGHAHANAP-BUHAY

Byadmin

Mar 21, 2023
  1. Ako ay nagmasid sa punso ng
    langgam,
    Lahat may gawaing pinag-abalahan,
    Bawa’t isa’y kilos sa dapat
    gampanan,
    Kaya ang kolonya ay may kaayusan.
  2. Ang tao ganyan din sa mga
    serbisyo,
    Sa army at navy, sila ang sundalo,
    Dahil sa ang lahat bahagi ng grupo,
    Para silang langgam, may pakay na
    solo.
  3. Datapwa’t sa atin namang hanapbuhay,
    Laluna at merong negosyo sa
    bahay,
    Walang hati-hati pag kulang ang
    suhay,
    May-ari’y janitor sa kanyang
    pagsikhay.
  4. Sapagka’t kung bawa’t gawain
    may tao,
    Ay baka malugi ang isang negosyo,
    Hindi kakayanin ang ganyang
    epekto,
    Kaya isang tao, maraming serbisyo.
  5. Malaking kompanya na
    napakayaman,
    Bawa’t tao’y merong trabahong
    kanya lang,
    Ganyan alagaan kanyang
    kapakanan
    Na espesyalista sa bawat
    gampanan.
  6. Puhunang maliit ang isang
    batayan,
    Na gawa ng tao’y iba’t-ibang bagay,
    Puhunang malaki ay di naman
    ganyan,
    Ang bawat posisyon, gawain isa
    lang.
  7. Hanap-buhay naman, di lang
    hanap-buhay,
    Ito’y buong buhay ng ating lipunan,
    Ang bawa’t negosyo’y lilikha ng
    suhay,
    Ang bawa’t trabaho’y lilikha ng
    yaman.
  8. Sa magnegosyo man at kung
    magtrabaho,
    Kailangan ay tuwid ang gawi sa
    mundo,
    Sapagka’t batid kong sa ganyang
    estilo,
    Makakamit lagi ay mga asenso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *