Matapos ang kaabang-abang na semi-final match ng Team Imus RCD AJAA Spikers laban sa Batang GenTri nitong Sabado, Pebrero 25, 2023, na ginanap sa City of Imus Sports Complex, nakuha nito ang huling puwesto para makapasok sa best of 3 championship ng Cavite Ballers League Inter-town Men’s Volleyball Tournament.
Nagtapos ang huling laban ng semi-finals sa dikit na puntos na 25-23, 26-28, 26-28, 22-25. Itinanghal namang Player of the Game si Reynald David Honra na nakapagtala ng 25 attack points at isang service ace.
Nakatakdang sumabak sa game 1 ng finals ang Imus sa darating na Sabado, Marso 4, laban sa Dasmariñas Green Spikers.