• Tue. Jun 3rd, 2025

PAGBALIK SA PINANGGALINGAN

Byadmin

Mar 10, 2023
  1. Lahat nagbabalik sa
    pinanggalingan,
    Tulad sa magbiyahe ka nang
    pasilangan,
    Sa tuloy na lakbay dinatnan
    kanluran,
    Hanggang sa sumapit sa
    pinanggalingan.
  2. Sapagka’t ang tuwid na
    akalang lakbay,
    Lumiliko ito na wala kang malay,
    Layo mo sa lupa ay singtaas
    lamang,
    Kaya umikot kang di mo namalayan.
  3. Yaong liwanag din na akala’y
    tuwid,
    May kurbang maliit na napakakitid,
    Sinag ng bituin sa mundo’y sumapit,
    Tingin mo’y diretso sa mali mong
    titig.
  4. Nguni’t ating lakbay paikot sa
    araw,
    Alam nating ligid lamang pag
    tinanaw,
    Lakbay nati’y ligoy na ang babalikan
    Ay ating simula sa pinanggalingan.
  5. Merong nagsasabi na ang
    ating Big Bang
    Ay naging simula nitong Sanlibutan,
    May nagsabing tuwid ang sabog na
    ganyan,
    Kaya lumalayo sa pinanggalingan.
  6. Subalit hula ko na merong
    batayan,
    Di tuwid ang sabog, lumiko din
    naman,
    At spiral galaxy ang pinagtularan,
    Ruweda ng fireworks, hugis ng
    larawan.
  7. Habang sumasabog palayo
    sa gitna,
    Umiikot naman ang gitnang simula,
    Pagmasdan ang bilog, papalaking
    lubha,
    At pabilog pa rin ang buo niyang
    mukha.
  8. Sabi ng scientist, Universe
    daw natin,
    Wala itong sentro’t lahat palayo rin,
    Di ito ang hulang aking sasabihin,
    Meron itong sentrong ating liliguyin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *