• Mon. Jun 9th, 2025

Single mom mula dasma, nagwagi ng 200k sa “pera o scratchit”

Byadmin

Mar 3, 2023

Isang single mother na may anim na anak mula sa lungsod ng Dasmariñas ang nag-uwi ng tumataginting na ₱200,000 matapos manalo ng grand prize sa unang episode ng inilunsad na online game show na ‘Pera o ScratchIt.’

Hindi sinayang ni Mean Bulatao, nanalo, ang kanyang pagkakataon na masungkit ang jackpot prize noong nakaraang Miyerkules, Pebrero 15, sa kabila ng mga mapang-akit na alok ng host na si Master Long Mejia na i-trade ang kanyang scratch cards sa cash, na umabot pa sa ₱50,000.

“ScratchIt po talaga, laban hanggang dulo,” desididong sagot ni Mean, na pinagsasabay ang pag-online selling at iba pang mga raket upang matustusan ang mga anak.

Ang ScratchIt, isang instant ticket lottery game ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ay gumagamit ng mga replika ng scratch card nito na “Go Bananas” at “Go for Gold” sa game show kung saan ang isang contestant ay kailangang magkaroon ng tatlong magkatugmang halaga sa anumang pagkakasunud-sunod, sa siyam na posibleng halaga sa card.

Nang tanungin si Mean kung ano ang kanyang plano sa napanalunan, “Unang una po, dagdag puhunan. ‘Yung isang namatay ko rin po na anak kailangan alisin sa nitso… Gusto ko po i-cremate na lang at i-uwi sa bahay.”

“Nagpapasalamat po ako kay Lord, sa bumubuo ng ScratchIt. Inaanyahan ko po kayo na tangkilikin ang ScratchIt. Gayahin niyo po ako na lumaban hanggang dulo. Wala pong masama mag-bakasakali,” dagdag niya.(Go Cavite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *