

Muli pong naghandog si Mayor Alex “AA” Advincula ng tulong pinansyal sa 669 nating kababayan na higit na nangangailangan ng tulong na ginanap sa Imus Sports Complex.
Katuwang po natin sa programang ito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sina Cong. AJ Advincula, Vice Mayor Homer Saquilayan, at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Sinisiguro ko pong patuloy ang pag-alalay natin sa mga higit na nangangailangan dito sa ating lungsod.