Isang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, sa pamamagitan ng E‑Gov/MIS na pinamumunuan ni G. Lodgene Asuncion at sa pakikipagtulungan ng GCash, ang GCitizen Day na idinaos kahapon, Nobyembre 17, sa Brgy Molino 6 Covered Court para sa mga residente ng Barangay Molino 6.
Pinangunahan ni Kap Ronald Javier kasama ang mga opisyales ng Barangay Molino 6 ang nasabing aktibidad, kasama ang mga kinatawan ng GCash at iba’t‑ibang ahensya at departamento ng gobyerno. Ang mga residente ng Barangay Molino 6 ang nakinabang sa nasabing one‑stop na serbisyo.
Layunin ng GCitizen Day na ilapit sa mga Bacooreño ang mabilis at madaling serbisyo ng gobyerno. Maaaring kumuha ng serbisyo ang mga residente tulad ng Solidarity Sticker, e‑SBR, YAKAP, PWD, 4PH, Solo Parent, Senior Citizen, at Kasambahay Program application, E‑Gov registration gamit ang GCash, pati na ang pagkuha ng Kalinga sa Matanda stubs. Sa pakikipagtulungan sa GCash, PhilHealth, PSA, at iba pang ahensya, mas pinabilis ang pagproseso ng mga benepisyo at digital na serbisyo para sa mga Bacooreño.
