
Matagumpay at puno ng suporta ang pagsisimula ng pagbabakuna kontra Tigdas at Tigdas-Hangin sa Imus sa ginanap na kick-off program ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, katuwang ang Department of Health (DOH) Region 4-A, nitong Martes, Agosto 11, 2026, sa Youth Center, Imus Pilot Elementary School.
Nauna nang nabakunahan ang 50 batang Imuseรฑong edad anim na buwan hanggang bago maglimang taon, kung saan nakatanggap din sila ng Vitamin A supplementation.
Tampok din dito ang inflatable slides, loot bags, libreng gamot at bitamin, at libreng taho.
Nanguna sa paglulunsad sina City Mayor Alex โAAโ L. Advincula, City Vice Mayor Homer T. Saquiliyan, Konsehal Enzo Asistioโnamumuno sa komite ng kalusugan, Dr. Marie Beatrix Duzon ng DOH Center for Health Development โ CALABARZON, Provincial Health Team Leader Dr. Ferdinand Eusebio ng Provincial DOH โ Cavite, City Health Officer Dr. Ferdinand Mina, at Medical Officer Dr. Gelyn Golamco.
Bahagi rin ng programa sina Dr. Nelson Soriano ng Office of the Provincial Health Officer, Dr. Keith Feldon ng Centers for Disease Control and Prevention, Dr. Melissa Medina โ Montoya ng Philippine Pediatric Society โ Southern Tagalog Chapter, at Sarah De. Leon ng Integrated Midwives Association of the Philippines (IMAP).
Lumagda rin ang mga opisyal at health workers sa commitment wall, bilang pagpapatibay ng kanilang partisipasyon sa pagsusulong ng mga programa at aktibidad laban sa tigdas at tigdas-hangin.
Ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity sa Imus ay magtatagal hanggang Agosto 28, 2026, sa ibaโt ibang barangay.
Para sa buong detalye, bisitahin ang inyong pinakamalapit na barangay o health center, o pindutin ang link na ito para sa kabuuang schedule ng pagbabakuna: https://docs.google.com/…/1_Z3c7zrcUFeGZNQWkmm…/edit…
Siguraduhin ang kaligtasan ng inyong mga anak, pabakunahan na sila kontra Measles-Rubella!
