Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng kababaihan sa ating komunidad, matagumpay na isinagawa ang Medical and Dental Mission noong March 10, 2026 sa City of Dasmariรฑas Arena, na naghatid ng ibaโt ibang LIBRENG serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababaihan.
Pinangunahan ito nina Hon. Mayor Jenny Austria-Barzaga, Hon. Vice Mayor Third Barzaga, at ng Sangguniang Panlungsod ng Dasmariรฑas, katuwang ang City Health Office sa pamumuno ni Dr. Mary Anne A. Barzaga, kasama ang mga doktor at pamunuan ng Pagamutan ng Dasmariรฑas.
Naging posible rin ang matagumpay na aktibidad sa tulong ng ibaโt ibang katuwang na organisasyon tulad ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) โ Dasmariรฑas, Provincial DOH Office, Dasmariรฑas Social Hygiene Clinic, Dasmariรฑas City Nutrition Unit, Dasmariรฑas Dental Circle, Pierre Fauchard Academy, 1301st PAF Dental Dispensary, Philippine Medical Association โ Cavite Chapter, Cavite Medical Society, Philippine Academy of Family Physicians, Philippine College of Occupational Medicine, Usaping Bayan Events and Production Office, Dasmariรฑas City Public Information Office, at City Information Technology Office.
Mahigit 2,000 kababaihan mula sa ibaโt ibang barangay sa lungsod ang nakinabang sa mga serbisyong tulad ng:
Medical check-up mula sa mga doktor at espesyalista
Capillary Blood Glucose Test
Hemoglobin at Hematocrit Test
ECG Test
Visual Inspection with Acetic Acid (VIA)
Breast Examination
HIV Screening
Bone Scan
Vouchers para sa Mammogram, Pap Smear, Breast Ultrasound, Abdominal Ultrasound, at Transvaginal Ultrasound mula sa Pagamutan ng Dasmariรฑas
Dental Extraction at Oral Prophylaxis
Libreng gamot at vitamins
Nutrition counselling
Goodies para sa mga dumalo
Sa Lungsod ng Dasmariรฑas, patuloy nating pinahahalagahan ang kalusugan ng bawat mamamayan. Ang malusog na kababaihan ay pundasyon ng malusog na pamilya at komunidad, kayaโt patuloy nating itinataguyod ang kanilang kalusugan, karapatan, at kapakanan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang aktibidad na ito!
