• Mon. Mar 16th, 2026

๐Œ๐€๐Š๐€๐’๐€๐˜๐’๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐‹๐„๐’๐’๐ˆ๐๐† ๐€๐“ ๐“๐”๐‘๐๐Ž๐•๐„๐‘ ๐๐† ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐๐…๐ ๐€๐“ ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ ๐๐”๐ˆ๐‹๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐’๐€ ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐ˆ๐Ž ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Œ๐„๐๐“ ๐‚๐Ž๐Œ๐๐‹๐„๐—

Byadmin

Mar 16, 2026

Isang mahalagang hakbang para sa mas ligtas at mas handang komunidad ang ginanap na Blessing at Turnover ng bagong gusali ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) sa bagong Government Complex ng Rosario, Cavite.

Nagbigay tayo ng Opening Message sa programang ito kung saan nakasama rin natin sina Mayor Jose Voltaire V. Ricafrente, Vice Mayor Bamm Gonzales, mga opisyal ng BFP, at ating mga magigiting na BFP Cavite Marshals.

Mas naging makabuluhan ang okasyong ito dahil bahagi rin ito ng pagdiriwang ng kaarawan ngayong buwan ni Mayor Voltaire ng Rosario at ng inyong Cong. Jolo, kasabay ng Fire Prevention Monthโ€”isang paalala sa kahalagahan ng pag-iingat at maagap na pagtugon sa anumang sakuna.

Ang nasabing bagong mga pasilidad ay magsisilbing mahalagang sentro para sa agarang aksyon sa sunog o anupamang nakaambang kalamidadโ€”patunay ng ating patuloy na sama-samang pagsisikap na palakasin ang serbisyo, kaligtasan, at kahandaan ng ating mga komunidad sa Unang Distrito ng Cavite. โœŠโค๏ธ

#Rosario#GovernmentComplex#BFP#DRRMO#CaviteFirstDistrict#Cavite#JoloCares#AlagangRevilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed