Tumaas pa sa survey si Imus City Congressman AJ Advincula base sa huling survey ng One Research Phil. Inc. Ayon sa survey noong marso, nakakuha ng 71% si Advincula na sinundan ni Dating Mayor Emmanuel Maliksi na nakakuha ng 26% at 2% ng undecided.
Sa pagsisimula ng local campaign ay makikitang dagsa din ang mga supporters ni Advincula sa kanilang pagbabahay-bahay kung saan kinumusta na din nila ang kanilang mga kababayang Imuseño.