Dahil sa sama-samang pagpupunyagi ng ating mga mahal na opisyal, Mayor Raffy Dualan, Vice Mayor Jun Dualan at PESO office ay natamo ng mga residente ng Naic ang pagkakataon na magparehistro at masagot ang kanilang mga katanungan sa inisyatibang SSS On Wheels. Ang pangyayaring ito ay naganap sa Naic Stadium at naging posible sa tulong ni Gng. Rose Diane Panopio, ang SSS Junior Member Service Representative.