Magiging mas abot-kaya at accessible na para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) ng Bacoor City Jail matapos silang magparehistro sa PhilHealth noong Enero 15.
Sa tulong ng Local Health Insurance Office (LHIO) Dasmariñas City, nagsagawa ang PhilHealth ng Konsulta Orientation at registration para sa mga PDL. Bahagi ito ng mas pinaigting na pagpapatupad ng Universal Healthcare (UHC) law na layuning bigyan ng access sa iba’t ibang healthcare services ang bawat Filipino. | via PhilHealth Regional Office 4A