• Wed. Jun 4th, 2025

IMUSEÑO CENTENARIAN, TUMANGGAP NG P100,000 MULA SA LOKAL NA PAMAHALAAN

Byadmin

Jan 2, 2024

Tumanggap ng P100,000 at grocery package mula sa pamahalaang si Bb. Virgina Meris na nagdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan noong Martes, Disyembre 19.

Mismong sina City Administrator Tito Monzon, OSCA (Office of the Senior Citizens Affairs) Officer-in-charge Luzviminda Elbinias, at IMUSCAI (Imus Senior Citizen Association Incorporated) President Aida Montemayor ang nag-abot ng centenarian gift para sa kanilang kababayan.

Isa si Nanay Virginia sa mga natatanging Imuseño na buong pusong nagsilbi sa kanilang lungsod.

Nakapagtapos siya ng kursong Education sa Far Eastern University at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Tanzang Luma 1. | via City Government of Imus

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *