Naging maulan man ang araw na ito ngunit hindi parin napigilan ang pagiging makabayan ng ating mga lingkod Bayan sa isinagawang Flag Raising Ceremony ngayong unang lunes ng Setyembre.
Buong pagmamalaking isinapubliko ang Bagong Mukha ng Hymno ng Naic sa pangunguna ni Mayor Raffy Dualan at Vice Mayor Jun Dualan na dinaluhan ni Municipal Administrator Raymond “Kuya” Senia kasama ang ating mga masisipag na Municipal Heads at Government employees.
Kasabay nito ay ang naging turnover ceremony para sa isang-daang mga wheelchairs at tents para sa iba’t-ibang Barangay at Paaralan sa Bayan, mula sa ating panauhing pandangal na si Ms. Jacinta Remulla. (Municipality of Naic)