Ginanap ang araw ng pagtatapos ng mga mag-aaral ng Trece Martires City College at isa ang inyong lingkod kasama sina Vice Mayor Bobby Montehermoso at miyembro ng 11th Sangguniang Panlungsod na naging saksi para sa kanilang tagumpay.
Tunay na hindi naging madali ang apat na taon na pakikipagbuno at pakikipag sapalaran upang makamit ang pangarap na ito. Hiling ko na baunin ninyo ang mga magagandang asal at mga natutunan ninyo sa susunod na kabanata ng inyong tinatahak na landas. Ito ay simula pa lamang ng tunay na hamon ng buhay. Muli, congratulations mga anak!Be blessed, Be a blessing!Bagong Trece,Puso ng Cavite,Lungsod ng Pag Asa!