• Sun. Oct 13th, 2024

BFP 4A BINIGYANG PUGAY MGA MODERNONG BUMBERO NG BAYAN

Byadmin

Aug 14, 2023

Ang Bureau Of Fire Protection CALABARZON Region IV-A  ay isinagawa kamakailan ang selebrasyon ng ika-tatlumpu’t dalawang taong anibersaryo na may temang, “Modernong Bumbero: Kaakibat Tungo sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan” na ginanap sa Seda Nuvali Hotel, Lakeside Evozone, Nuvali Boulevard, Sta. Rosa City, Laguna. Sa pangunguna ng ating Direktor ng Rehiyon, FCSUPT JAIME DOLLENTE RAMIREZ, DSC kasama ang Katuwang na Direktor ng Rehiyon para sa Operasyon, FSSUPT MARIA VICTORIA P BRUAL, DSC, Pangrehiyong Punong Kawani sa pangunguna ni FSSUPT SHEILA C ANDRADE, DSC at Punong Dibisyon ng Pangangasiwa, FSSUPT GAY F FLORENTINO, DSC, maligayang pinangaralan ang mga natatanging Lokal na Pamahalaan, mga pribadong institusyon, at mga himpilan ng bumbero na siyang nagpamalas ng kapuri-puring gawain at suporta sa mga layunin ng ating ahensya.

Kinilala rin ang mga kawani ng Komisyon sa Serbisyo Sibil – Rehiyon 4 sa pangunguna ng kanilang Direktor at Panauhing Pandangal at Tagapagsalita, DIRECTOR IV MARIA LETICIA G. REYNA. Inihilahad din ni Dir. Reyna ang kanyang pagpapahalaga at pagkilala sa mga sakripisyo at serbisyo ng mga dakilang lingkod-bayan, ang mga bumbero. (Photobfp/Renante Arjay Jarobel/Marjorie Mahusay)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *