• Mon. Jun 9th, 2025

Pinasinayaan ang bagong ayos na gusali ng Rosario Health Unit (RHU) Extension sa Barangay Tejeros Convention.

Byadmin

Jul 9, 2023

Ang seremonya ay pinangunahan ng ating butihing Vice Mayor Bamm Gonzales at mga kinatawan ng SM City Rosario, SM Foundation at Uniqlo Phils. Na siyang primary sponsors sa pagpapaayos ng RHU Extension.

Nagpasalamat si Vice Mayor Bamm sa proyekto na ibinahagi ng SM Foundation at Uniqlo Phils. Para sa agarang pagpapaayos ng RHU Extension. Malaking tulong ito para lalo pang mapagbuti ang ating mga serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan ng Rosario, Cavite.

Kabilang sa mga dumalo ang ating MHO Dr. Noriel Emelo at mga kawani ng RHU, Barangay Capt. Joemel Pulido.(Municipality of Rosario Cavite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *