• Sun. Feb 1st, 2026

Naghatid po tayo ng matamis na ngiti sa mga Imuseñong Chikiting para sa unang araw ng ating proyektong Dental Mission sa Imus City Sports Complex.

Byadmin

Jun 25, 2023

Sa murang edad, layunin po natin na mapangalagaan ang ngipin ng mga bata sa pamamagitan ng pagtuturo ng wastong pamamaraan ng pagsisipilyo. Naghandog din po tayo sa kanila ng libreng flouride at dental kits gaya ng toothpaste at toothbrush.

Nagpapasalamat po tayo sa ating mga katuwang sa proyektong ito, sa Office of the Provincial Governor, Provincial Health Office, City Health Office, City Social Welfare and Development Office, Imus Dental Circle, at Colgate Philippines.

Sa ating mga ka-distrito, tuloy-tuloy lang po tayong maghahatid ng makabuluhang proyekto at programa para sa lahat ng sektor sa ating Lungsod. Asahan po ninyo ang pagbibigay natin ng epektibong serbisyo publiko para sa kapakanan ng bawat Imuseño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *