Kauna-unahang Fire and Rescue Village sa Pilipinas na matatagpuan sa Bacoor, magsisilbing life safety training center ng mga kabataan patungkol sa disaster and emergency response.
Ang Bacoor ay madalas na nakakaranas ng sunog at pag-baha kaya naman ang proyektong ito sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla ay malaking tulong upang maturuan ang mga kabataan na maging handa hindi lamang sa mga pangyayaring ito, pati na rin sa banta ng anumang sakuna.
Nagbigay suporta sa inagurasyong ito sina Vice Mayor Rowena Bautista – Mendiola, ang bumubuo ng sangguniang panglungsod, Atty. Benhur Abalos Secretary of Interior and Local Government, Bacoor City Fire Marshal CINSP Alma Cassandra Gardose, Chief BFP Fire Director Louie Suralta Puracan, BFP Region IV-A Regional Director CSupt. Jaime Ramirez, PRO IV-A Regional Director PBGen. Carlito Garces, at Cavite PPO Provincial Director Christopher Olazo. When there is Emergency We Strike As One!
Dito sa Bacoor At Home Ka Dito! (City Government of Bacoor)