

IMUS CITY, CAVITE—Bilang paggunita sa kalayaang tinatamasa natin sa kasalukuyan, idinaos kamakailan ang ika-125 Pambansang Araw ng Watawat na ginanap sa Dambana ng Pambansang Watawat.
Dumalo sa nasabing programa sa pangunguna ni Hon. ALEX “AA” ADVINCULA, Mayor Imus City at sina Hon. Francis “Tol” Tolentino, Senator, NHCP Chairman Dr. Emmanuel Calairo, Hon. AJ ADVINCULA, Congressman Imus City, Board Members Shernan Jaro at Arnel Cantimbuhan, at mga miyembro ng ating Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Homer Saquilayan.
Sinabi ni Mayor Advincula, bilang mga Pilipino, himukin po natin ang bawat isa na magkaroon ng kamalayan sa mga pangyayari sa ating bansa. Manatili nawa tayong mulat nang sa gayon ay maprotektahan ang ating pinaghirapang kalayaan at pinaglabang demokrasya.
Binigyang diin nito, makakaasa ang lahat ng buong suporta at tulong ang ibibigay ng Pamahalaang Lungsod upang maisakatuparan ang mga plano sa ating turismo at kasaysayan.Tayo po ay patuloy na magsusumikap sa tunay na pagbabago, para sa bansang Pilipinas!(Pioimus/AA/Renante Arjay Jarobel)