• Mon. Jun 9th, 2025

Launching of Festival of HOPE

Byadmin

Jun 3, 2023

Opisyal na inilunsad ang “Festival of Hope” sa ating lungsod bilang selebrasyon ng ika-69 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Trece Martires.

Ang konsepto ng Festival of Hope ay nabuo upang ipagdiwang ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng pag-asa tulad ng pagmamahal, pagtutulungan, pagkakaisa, paggawa ng kabutihan sa ating kapwa, at selebrasyon ng tagumpay ng bawat Treceรฑo.

Sinimulan natin ang araw sa makulay na Street Dance Parade & Competition na nilahukan ng mga mahuhusay na highschool students.

Ito ay sinundan ng Thanksgiving Mass na idinaos sa St. Jude Thaddeus Parish Church na dinaluhan ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan upang magkapag-alay rin ng mga school supplies para sa kapakinabangan ng mga batang Treceรฑo.

Sama-sama rin tayong na-inspire sa kauna-unahang Gawad Parangal Treceรฑo na ginanap sa Trece Martires City People’s Park. Naki-jamming at nakisaya sa ating mahuhusay na local bands tulad ng OTS band, Similar Sky at The Sun.  Walang humpay rin na katatawanan ang hatid sa atin nina Cocoa, MJ, at Super Tekla. Dagdag pa riyan ang nakakaaliw na performance nina Primo (Jaylotte and Park Soo Boy) at Jan Ferry.

Bilang bahagi ng ating grand launching ay napaindak at napaawit rin tayo sa official Festival of Hope theme song sa pangunguna ng ating mahuhusay na local artist na sina Marjore Torres, Janaffe Menguito, Hans Rocel Lacasa kasama ang Prima Infantas.

Nasaksihan rin natin ang kamangha-manghang Drone Show at Pyromusical Display. At bago matapos ang gabi ay nakisaya at naki-jam rin tayo sa live concert ng Dilaw.  Taos puso ang ating pasasalamat sa lahat ng dumalo, nakisaya, at naging bahagi ng ating programa. Sa ating mga performers, guests, participants, organizers, committees, sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan, department heads, division chiefs, brgy officials, school personnel at sa lahat po ng ating nakatulong simula preparation hanggang matapos ang ating programa.

Ang Festival of Hope ay sumisimbolo rin sa ating buhay, na ang bawat suliranin ay kayang-kaya nating mapagtagumpayan, huwag tayong mawawalan ng pag-asa at pananalig sa Poong May Kapal. Ang Pamahalaang Lungsod ng Trece Martires sa pangunguna ng inyong lingkod kasama sina VM Bobby Montehermoso at ang bumubuo ng 11th Sangguniang Panlungsod ay patuloy na nagsusumikap upang makapagbigay ng serbisyo at programa para sa ikauunlad ng bawat Treceรฑo. Sana po ay napasaya namin kayong lahat. Love namin kayo. Big ๐Ÿ’š!ย 

#BagongTrece #cityofhope #LungsodNgPagAsa #festivalofhope2023Be blessed, Be a blessing!Bagong Trece,Puso ng Cavite,Lungsod ng Pag Asa!

Related Post

๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐Ž๐“๐Ž๐ ๐๐ž๐ฑ๐ญ ๐†๐ž๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐ค๐ข๐œ๐ค๐ฌ ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ข๐ง ๐‚๐š๐ฏ๐ข๐ญ๐ž ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐€๐‚๐“ ๐ฌ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง
PLANNING WORKSHOP ON THE FORMULATION OF BACOOR CITY LOCAL NUTRITION ACTION PLAN FOR 2026-2028
๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข: ๐—˜๐˜…๐˜๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ผ๐˜‚๐—ฟ-๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ด๐˜€๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—บ๐˜‚๐˜€

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed