• Mon. Mar 23rd, 2026

8-day Digital Literacy Training para sa mga estudyante, inilunsad sa INHS

Byadmin

Jun 3, 2023

Sinimulan noong ikatlong linggo ng Mayo, ika-15 hanggang ika-19, ang 8 araw na Digital Literacy Training para sa Grade 7 at Grade 8 students ng Imus National High School (INHS).

Natutunan ng mahigit 100 estudyante ang epektibong paggamit ng computer softwares na Microsoft Word, Excel, at PowerPoint na makatutulong din sa kanilang paggamit ng Tech4Ed โ€” isa sa mga programa ng DICT para matulungang makasabay ang publiko sa information and communications technology (ICT) pagdating sa edukasyon, trabaho, negosyo, at pagpapaunlad sa ekonomiya.

Pinangungunahan ito ng Imus City Public Library kaagapay ang Local Council for the Protection of Children, INHS, at Provincial Information and Communications Technology Office.

Nakatakdang matapos ang naturang training sa Hunyo 1, 2023.

Ang Digital Literacy Training ay isa sa mga programa ng City Public Library na may layuning maitaguyod ang sapat na kaalaman sa modernong teknolohiya upang makasabay ang mga Imuseรฑo.

(City Government of Imus)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *