• Wed. Jun 4th, 2025

PAGBABAGO SA PAG-UNLAD

Byadmin

Mar 3, 2023
  1. Sa pagsisimula puhuna’y maliit,
    Kasangkapang gamit ay luma sa
    masid,
    Pinagtiyagaan na ito’y magamit,
    Kahit na mabagal ang trabahong
    kamit.
  2. Kanyang pagawaan ay maliit
    lamang,
    Subsob sa gawain hanggang sa
    uwian,
    Ang gamit iniwan sa mesang
    patungan,
    Kalat ay pinulot tuloy basurahan.
  3. Negosyo’y lumaki at may tauhan
    na,
    Tumulong sa gawa ng bagong
    kasama,
    Bumili ng bago’t mahal na makina,
    Upang pabilisin ang datihang porma.
  4. Anak ay nag-aral, tapos sa
    kolehiyo,
    Hindi nila nais sa shop magtrabaho,
    Ama’y tumatanda, mesa ang
    ginusto,
    Malinis na ang shop na kanyang
    negosyo.
  5. Kahit na umunlad itong
    pagawaan,
    Kung ang anak naman di ito ang
    asam,
    Ang makikita mo’y maayos sa
    ganyan
    Sapagka’t buhay pa ang mga
    magulang.
  6. Bilang ang kompanyang nagpatupatuloy,
    Ang marami doon tumigil sa daloy,
    At pinaghatian ang dapat makahoy,
    Anak kani-kanya yaong naging
    langoy.
  7. Negosyong ganoon daming
    naisulat,
    At ginamit lamang sa anak na
    unlad,
    Pagka’t ang totoo, ang trabahong
    palad,
    Ay iniiwasan ng nagmanang anak.
  8. Ito’y mabuti rin kung ang anak
    naman
    Ay nagsisikap din sa ibang larangan,
    Ang masama lamang ay baka
    lumayaw
    At ang ginawa lang lahat ay nilustay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *