Ang isang pag-asa’y pinakamainam, Sa lahat ng virtue na napag-aralan, Virtue ay ang budhi’t gawang kalinisan, Magandang batayan nitong katauhan.
Pito yaong Virtues na hantad sa atin, Faith Hope at Charity, Temperance at Prudence, Fortitude at Justice, pito na magaling. Sila’y pitong Virtue ng taong butihin.
Kung ang pananalig natin ay mawala, Timpi at talino, tatag, kawanggawa, At saka hustisya ay mawala din nga,Pag-asang natira’y magandang simula.
Pag-asa ay parang araw na sisikat,Matapos ang dilim ng mga bagabag, Sa haba ng gabi, tao na naghirap,Alam na pag-asa’y darating sa pugad.
Habang may buhay pa ay merong pag-asa, Ito’y kasabihan na ating minana, Tama naman ito sa lahat ng porma,At dapat na dito ay maniwala ka.
Subali’t mahirap na paniwalaan,Ng taong gulapay sa kapighatian,Na may pag-asa pa sa kinabukasan,Maliban may tulong na maaasahan.
Kaya ang NGO ay naging pagasa, Ng mga nilalang na pawang nagbata, Lipunang malawak nanood sa dusa,Nguni’t tulong nila ay hindi nakita.
Pag-asa ay huing pagkapit sa buhay,Kahit halos wala yaong mga suhay, Datapwa’t sa diwa’y nakita ang silay,Na may pag-asa pang tatapos sa lumbay.