Wagi sa iba’t ibang dibisyon at kategorya ang 7 Imuseño sa National Youth and School Chess Championship na ginanap noong Hunyo 2 – 9, 2023 sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.
Nasungkit ni Elle Castronuevo ang kampeonato sa Blitz at Standard Time habang nakuha nito ang ika-11 puwesto sa Rapid Time.
Hinirang namang third placer sa Blitz si Mary Angelie Bocojo na nakuha rin ang fifth place Standard at second place sa Rapid.
Pumangapat si Deandra Castronuevo sa Blitz, pang-anim sa Standard, at pangsiyam sa Rapid.
Nakuha naman ni Jon Mark Anarna ang ikatlong puwesto sa Blitz, ika-walo sa Standard, at ika-12 sa Rapid.
Kabilang din dito si Maryss Annxeniel Caldoza na nasa ika-10 puwesto sa Blitz, ika-pito sa Standard, at ika-anim sa Rapid.
Nasa ika-walong puwesto sa Blitz si Jewel Iris Anacio, ika-siyam sa Standard, at ika-16 sa Rapid.
Samantala, nakuha ni Hannah Luminario ang ika-12 sa Blitz, ika-12 sa Standard, at ika-17 sa Rapid. Binabati ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang chess players na pinatunayan ang kanilang galing sa larangan ng chess!(City Government of Imus)