• Wed. Jun 25th, 2025

WASTONG NUTRISYON PARA SA BATANG BACOOREÑO

Byadmin

Nov 6, 2023

BACOOR | Patuloy na

sinikap ng pamahalaang

 lungsod na siguraduhin

ang wastong nutrisyon

para sa mga bata kasabay

ng paglulunsad ng kanilang LGU-initiated Feeding Program sa Bayanan Elementary School noong Oktubre 10, 2023.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Education – Division of Bacoor sa pangunguna ng kanilang OIC- Schools Division Superintendent, Dr. Babylon Pambid, layon nitong bigyang prayoridad ang nutrisyon ng mga piling mag-aaral na hindi kabilang sa School Feeding Program.

Bukod sa pamamahagi ng enhanced nutribun, tumanggap rin ang mga mag-aaral ng mga vitamins at laruan.

Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan ng pamahalaang lungsod sa pangunguna nina Mayor Strike Revilla, Cavite 2nd District Representative Lani Mercado Revilla, at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, at mga kasapi ng Federated General Parents Teachers’ Association at the Hope in Me Club. | via DepEd Tayo Bacoor City

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *