Kasama ang team AJAA, tayo po ay nagsagawa muli ng payout para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng medical at burial assistance.
Sa ating pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Imus at DSWD, tayo po ay nakapagbigay ng tulong pinansyal sa mahigit 800 nating mga kababayan.
Ang inyo pong lingkod ay instrumento lamang po ng pagtulong para sa bawat Imuseño. Asahan po ninyo na pagsusumikapan ko pong maibigay ang mga proyekto at programa para mas maramdaman po ninyo ang pondo na nakalaan para sa ating distrito.
#AAngatAngImus#AlagangAdvincula