Nagsagawa si Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula muli ng pay-out ngayong araw para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng medical at burial assistance.
Sa ating pakikipagtulungan sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development, tayo po ay nakapagbigay ng tulong pinansyal sa 408 nating mga kababayan.
Ang inyong lingkod ay instrumento lamang po ng pagtulong para sa bawat Imuseño. Kaya naman sinisikap ko pong maibigay ang mga proyekto at programa, para mas maramdaman po ninyo ang pondo na nakalaan para sa ating distrito. Salamat po sa inyong buong-pusong suporta at pagtitiwala. Sama-sama po tayo sa patuloy na pag-angat ng ating mahal na Lungsod ng Imus.(Adrian Jay “AJ” Advincula fb page)