• Mon. Dec 9th, 2024

TULONG PARA SA MGA MANGINGISDA NG BACOOR

Byadmin

Aug 27, 2024

Tayo po ay namahagi ng tulong pinansyal at relief goods sa mahigit isang libong mangingisda na naapektuhan ng oil spill sa Lungsod ng Bacoor. Nakasama po namin si Governor Jonvic Remulla na may dala ring tulong sa mga mangingisda ng Bacoor.

Patuloy po tayong nakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Lalawigan ng Cavite para matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang mangingisda.

Maraming salamat sa ating masipag na Governor Jonvic Remulla at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, katuwang ang Sangguniang Panlunsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola, ay patuloy na tutulong sa ating mga kababayang nangangailangan.

Maraming salamat po!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *