


Bilang pakikibahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa Safer Internet Day 2023, idinaos ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) at ng Imus Youth Affairs Office ang Think Talk Forum: “Promoting a Safer World for Children Online” noong Biyernes, Marso 17, na ginanap sa Imus City Government Center.
Sa pagdalo ng 250 estudyante mula sa iba’t ibang mga paaralan sa Imus, tinalakay nina Ms. Maria Graciela Bucad at Ms. Krizzia Kate Yuzon ang Cybersecurity for Everyone at ang Pause and Think Online.
Sa pamamagitan ng forum na ito, nais ng LCPC na maipaunawa sa mga bata at kabataang Imuseño ang kahalagahan ng maingat at positibong paggamit ng internet.
Layunin ng tema ngayong taon na “Want to talk about it? Making space for conversations about life online” na mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga kabataan pagdating sa kanilang data privacy, sa cyberbullying, at sa online harassment.
Ginugunita ang Safer Internet Day for Children Philippines tuwing ikalawang Martes ng Pebrero alinsunod sa Proclamation No. 417 taong 2018.