Binibigyang halaga ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias at ng Team GenTri ang pangangalaga sa kalusugan ng bawat Gentriseño. Kaya ay isinagawa ang Ground Breaking ng itatayong 2-STOREY TB DOTS CENTER na proyekto ng ating City Government, at ng 2-STOREY BIRTHING & MATERNITY CENTER na proyekto naman ng Ika-6 na Distrito. Ang mga gusaling pangkalusugan na ito ay matatagpuan sa Stateland, Barangay Manggahan.
Kaisa sina Cong. Ony, Vice-Mayor Jonas, Board Members Morit at Kerby, at mga Sangguniang Panlungsod Members, hanggad po ng inyong lingkod na patuloy na pagibayuhin ang paghahatid ng dekalidad na healthcare service sa ating mga kababayan. Let’s Join Forces for a Healthier City of General Trias!