Binisita kamakailan ni Imus City Mayor Alex Advincula ang ipinapatayong Super Health Center sa Legian II-C, Barangay Carsadang Bago I kung saan kasama niya sa pag-inspeksyon si Senator Bong Go na Committee Chairman ng Health sa Senado. Bukod kay Go, dumalo rin sina Cong. AJ Advincula, at Vice Mayor Homer Saquilayan. Ayon sa alkalde, โIto po ang bunga kapag iisa ang layunin ng inyong mga pinuno. Hindi na po mahihirapan at lalayo ang ating mga kababayan dahil mas malapit na sa kanila ang ospital na sasagot sa kanilang pangangailangang pangkalusugan.โ Dagdag pa niya, โAsahan po ninyong madadagdagan pa ang mga ganitong klaseng programa para matutukan natin ang kalusugan ng bawat isang Imuseรฑo!”