• Mon. Dec 9th, 2024

SEN. RAMON BONG REVILLA, NAMIGAY NG TULONG SA SEKTOR NG INDUSTRIYA BILANG BAHAGI NG BPSF

Byadmin

Oct 20, 2024

Umabot sa labintatlong libong kasapi ng creative industry ang nabiyayaan ng dalawang araw na programa ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF): Paglinang sa Industriya ng Paglikha sa Philippine Sports Arena sa Pasig City.

Pinangunahan ni Senador Ramon Bong Revilla ang pagtitipon kung saan dinagsa ito ng ilang artista, mangagagawa ng sining mula sa pelikula, radyo at telebisyon.

Ang bawat benepisaryo sa mga nabanggit na larangan ay nakatanggap ng limang libong piso at limang kilong bigas.

Sa pagbibigay ng mensahe, kinagagalak ni Sen. Revilla na isa sya sa mga nakibahagi sa BPSF dahil ang nasabing industriya ang siyang unang naging tahanan ng kongresista na humubog ng husto sa kaniyang pagkatao at siyang naging daan para pagkatiwalaan ang mahalin sya ng taong bayan bilang lingkod-bayan.

Ani ni Sen. Revilla, hindi nito pababayaan ang sektor na pinagmulan niya.

Samantala, ang BPSF ay programa ni Pang. Bongbong Marcos, Jr. at House Speaker Martin Romualdez, kung saan ibinababa sa taongbayan ang tulong at mga programa ng pamahalaan sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

#CaviteTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *