Pinangunahan po ng inyong lingkod ang panunumpa ng re-elected at newly elected Presidents at Vice Presidents ng Imus Senior Citizens Association (IMUSCAI) sa Function Hall ng ating New City Government Center. Kasama po natin sa seremonyang ito sina Konsehala Yen Saquilayan, Vice Mayor Homer Saquilayan, at ang mga bisita natin mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) na sina Commissioner Ricardo Rainer G. Cruz at Commissioner Reymar Mansilugan. Nawaโy gampanan po ninyo nang tapat ang inyong sinumpaang tungkulin at buong pusong maglingkod sa inyong mga nasasakupan. Muli, congratulations po sa inyong lahat!